Post-Processing


I was reading Yeng Constantino’s Tumblr post on meeting Chris Carrabba, and wow, it just made me realize how much I miss seeing what God wants to say in every situation. My mind has been clouded recently due to stress, pressure, sin and confusion, but thank you Lord for pulling me back.

1 – Meeting Chris Carrabba

It’s quite crazy how much God loves us. Isipin niyo nalang ‘yung girlfriend niyo, makikiusap sa inyo na pagbigyan niyo siyang ma-meet ang kanyang “one true love”. Nakakainis, ‘di ba? But God, even though He’s a jealous God, allowed me to meet Chris Carrabba. Ang daming paraan na pwedeng hindi ‘yun matuloy. Naisip ko na ‘yun nung papunta ako ng Araneta. Pwedeng: (a) ‘di ako manalo sa contest, (b) ma-late ako sa meet-up with the production people, (c) ‘di ko makuha ‘yung number ni Kris Rocha sa Gmail ko, or worst of them all, (d) ‘di matuloy ang Dashboard sa Pilipinas.

‘Yung konsepto pa lang na natuloy sila dito, tapos saktong wala akong meetings at urgent trabaho, blessing na eh. Alam talaga ni Lord ‘yung tiny things na makakakapagpasaya sa ‘tin :) At kinikilig ako na ganun ako kamahal ni Lord para ma-meet si Chris. Nung 2010, hindi ko kasi siya nakita dahil saktong nag-HK kami :( Thinking about it, it may be God’s way to tell me noon na hindi pa ako ready. Kailangan ko lang maghintay, at gagawin niyang mas maganda ‘yung bagong opportunity na dadating :)

Mukhang pwede ko i-apply ‘yan sa maraming bagay.

2 – Magka-cramps sa sidewalk ng Cubao

Lagi kong iniisip kung anong gagawin ko kung wala akong kasama nung nagka-cramps ako. Parang nakakaiyak isipin, lalo pa’t iyakin ako. Pero, magaling talaga si Lord. Hindi Niya tayo bibigyan ng trials nang hindi Niya nilalagay ‘yung mga tamang tao around us na makakatulong sa atin.

At, gaya ng lahat ng tao sa mundong ito, makakaranas tayo ng sakit. Sa totoo lang, ‘yung cramps ko tumagal ‘yung sakit ng 4 days. Sometimes, pain seems to last a long time. Pero with God, there’s an assurance that THE PAIN WILL BE GONE. Napakagandang pangako :)

**

More post-processing to follow soon. Mukhang masarap magstart ng random journal for my pains, fears, desires, prayers, and revelations. Magawa nga :)

Advertisements

Leave a Comment!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s