Kung Bakit Hindi Na Ako Napupuyat Dahil Sa’yo


Dati, noong sariwa pa ang mga nadarama
Dati, noong hindi pa alam kung paano ka basahin —
Gusto mo kaya nito, ano ba ang mga hilig mo,
magkakasundo kaya tayo?

Dati, lahat ng bagay na tungkol
sa’yo
ay tumatakbo sa aking utak hanggang pagtulog

Kapag sinabi mo ito
Kapag dumaplis ang kamay sa balikat
Kapag lumipas na ang isang oras at kasama ka pa
Ano kaya ang ibig sabihin?

Bagama’t tinatanong ang sarili
sa bawat araw at sa bawat gabi,
Walang nakukuhang kasagutan

Mahirap, dahil
Dati, lahat ng bagay na tungkol
sa’yo
ay tumatakbo sa aking utak hanggang pagtulog

Nang lumaon, patuloy pang umigting ang nadarama
Pero
Nang lumaon, mas madali nang basahin ka
Alam kong gusto mo nito,
Alam ko na ang mga hilig mo
At higit sa lahat,
Nagkasundo tayo

Ngunit
Sinabi mo pa rin ang mga dati’y sinasabi
Dumadantay na ang kamay sa mga balikat
Lumilipas ang tatlong oras at kasama ka pa
Ano kaya ang ibig sabihin?

Patuloy na tinatanong ang sarili
sa bawat araw at sa bawat gabi,
At walang nakukuhang kasagutan

Lalo pang naging mahirap, dahil
Gaya ng dati, lahat ng bagay na tungkol
sa’yo
ay tumatakbo sa aking utak hanggang pagtulog

Akala ko’y kayang makasanayan
Ang halos hindi pagtulog
Dahil nasa isip ka
Nang aking mapagtanto
Na kasabay ng malamang ay pagkadurog ng mga malulusog na selula
Sa aking katawan
Dahil sa kakulangan sa pag-iglip
Ay unti-unti ring nadudurog ang mga bahagi ng aking
puso, dahil

Sa bawat tanong
Kung
Ano kaya ang ibig sabihin?
Ay pumapasok sa isipan
Na maaaring ang sagot
Sa aking matagal nang tanong
ay
wala.

Ngunit aking napagtanto
Na marahil ay mali
ang aking katanungan
nitong mga nakaraang buwan.

Nang maisip ko ang mga salita,
ang mga dantay, at ang mga oras na
magkasama.
Tinanong ko sa aking sarili–
Masaya ka ba?

Ang tanging naging sagot ko
ay isang ngiti
at isang bagay na natutunan:
Minsan, hindi na dapat pinag-iisipan.

At nakatulog na ako ulit.

Advertisements

Leave a Comment!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s